H E R E I S T A N D…

June 6th, 2009

Pasukan Na Naman

Posted by akitsuchiya in college, tagalog  Tagged ,

Ang bilis naman ng panahon.  Parang nung kelan lang kabado pa ko para sa first day ng college life ko tapos ngayon 2nd year na pala ko. yay! Dami nangyari sa unang taon ko sa kolehiyo. May masaya, malungkot, mga kakaibang trip haha, haynaku kalimutan na lang yun. lol Ngayon nga halos isang linggo na lang, pasukan na naman ulit. Excited na din ako. Tagal ko na din na hindi nakikita mga friends at classmates ko.  May mga bago kaya? Sana wala kameng maarteng classmate. badtrip lang eh haha.  Tapos ngayong sem ako na din pala yung singing department head ng teatro. Good luck na lang skin hahaha. Ewan ko ba kung bakit ako napili nila eh bagong sali pa lang naman ako.  Sana lang magawa ko ng tama para naman ndi sila madismaya skin.  Sigurado praktis na naman kame nito pero ayos lang, masaya naman eh.  Miss ko na nga din mga kateatro ko.  Sayang nga lang hindi na namin head si kuya Harry pero tinutulungan pa din niya kame.

Ngayong taon pramis pagbubutihin ko na talaga pag-aaral ko.  Hindi na pwede paeasy easy lang. Kelangan na magseryoso.  Nkakainis kasi medyo hindi maganda naging resulta ng ibang sujects ko. Kaya ngayon kelangan ko ng mag-aral ng mabuti. Sabihin niyo naman puro salita lang ako, hayaan niyo babalitaan ko kayo kung tinotoo ko nga pangako ko. Sana naman talaga. Hayz.  Sige yun lang Bye :))



Comments are closed.

Sorry, the comment form is closed at this time.