H E R E I S T A N D…

April 25th, 2009

It’s Been A Long Time

Posted by akitsuchiya in iwritemylife, tagalog  Tagged ,

It’s been a month since I updated my blog.  There are so many things that happened for the past days.  I want to share all of them but I think now is not the right time.  Change topic, yesterday I was lurking around and I saw this story.  It doesn’t have a title and you might think that’s it’s just another nonsense story but It’s really a nice one.  I hope you all like this as much as I do. 

——————————————————————

LINGGO noon. Nakatakda ang araw na ‘yon para

sa date namin ng

girlfiend kong si Maji. Pero tumawag s’ya sa ‘kin at

sinabing cancel muna ang date dahil sasamahan

niya daw

ang kanyang tita sa isang importanteng lakad.

Sabi ko okay lang,

naintindihan ko. Subalit dahil wala akong magawa

sa bahay at talagang

bored ako noon, ako na lang ang pumunta sa mall

at nanood ng sine

mag-isa. Libang na libang ako sa paggagala sa

mall, di ko alam na iyon

na

pala ang katapusan ng mundo.

Pagpasok ko sa entrada ng sinehan, nagulat ako

sa nakita sa may snack

bar. Si Maji! At may kasama siya–hindi ang

kanyang tita–kundi isang

lalaki. Nakaakbay pa ito sa kanya. Shocked ako

pero ganunpaman, gusto

kong ipaalam sa kanya na nandoon ako at nahuli

ko siya. Pero di man

lamang s’ya nagulat nang makita ako. Relaxed

s’ya at nakangiti pang

sinabi sa ‘kin: “Tapos na ang lahat sa atin.” “Ha?”

Di na ‘ko

nakapagsalita.

Gusto kong magalit sa kanya. Gusto kong sapakin

ang lalaki. Gusto kong

umiyak.

Pero kinimkim ko ang lahat ng aking naramdaman

at sinabing “Wala akong

magagawa…basta kung saan ka masaya..”

Tumalikod ako agad at pumasok sa loob ng

sinehan. Doon ko ibinuhos

ang lahat ng pinigilan kong lumabas sa aking mga

mata. Komedi ang palabas at nagtatawanan ang

mga tao sa paligid

ko ngunit ako nama’y abala sa pagdadrama sa

aking kinauupuan.

Natapos ang pelikula na di ko naintindihan ang

istorya. Wala ako sa

sarili hanggang sa pag-uwi ko sa boarding house.

Kinabukasan, nagdesisyon akong umuwi sa

probinsiya namin upang

makalimot. Mataas ang araw noon at mainit ang

biyahe, pero wala pa

ring tigil ang ulan at bagyo sa aking mga mata.

Mabigat pa sa aking mga bagahe ang dinadala ko

sa aking

dibdib. Kahit na wala pa kaming isang taon ni Maji,

masakit pa rin sa

‘kin ang

nangyari dahil mahal ko talaga s’ya. Di pa man

nakakalabas ng

Maynila ang bus na aking sinasakyan, bigla kong

naisip na bumaba.

Wala nang silbi pang mabuhay kaya naisip kong

magpakamatay na lang.

Inakyat ko ang isang billboard ng GMA7 kung

saan nakalarawan dito ang

final 14 ng Starstruck. Dream, believe,

survive. “Kagaguhan!” sabi

ko. “Tingnan ko lang kung makaka-survive pa ‘ko

pag tumalon ako mula

rito…

maliban na lang kung may pipigil.” Pero wala

ngang pumigil. Dahil

walang nagmamalasakit.

Walang nagmamahal. Tumalon ako. ”

Aaaahhh…blag!”

Nabagok ang aking ulo sa gulong ng trak ng

MMDA na sa mga oras na ‘yon

ay nagsasagawa ng wet flag scheme. Hindi naman

ako namatay.

Wala lang akong maalala pagbangon ko. “Sino

ako? Anong ginagawa ko

rito?”

tanong ko sa sarili ko. Nagka-amnesia ako.

Mula noon ay nagpalaboy-laboy ako sa lansangan.

Sa ilalim ng overpass

ako natutulog at doo’y madalas na ka-jamming ko

ang mga taong-grasa at mga rugby boys.

Namalimos ako sa daan,

papunas-punas ng mga sapatos ng pasahero ng

jeep, o kaya’y

humihingi ng ‘love offering’ sa mga pasahero ng

bus. Umasenso naman

ako hanggang sa makapagtinda na ‘ko ng fishball,

squidball, at

kwek-kwek.

Kung anu-anong trabaho ang pinasukan ko para

lang may maipanlaman sa

kumukulo kong tiyan. Nagbenta rin ako ng mga

pirated na CD,

VCD, at DVD. Pero di pa rin sapat ang kinikita ko

sa pagbebenta ng mga

produkto kaya ibenenta ko na rin pati ang aking

sariling laman.

Nagpagamit ako sa kung sinu-sinong bakla at mga

matrona. Kumita ako ng

malaki. Subalit sadyang malupit sa akin ang

tadhana dahil sa isang

iglap ay nawala lahat ng aking pinaghirapan.

Nadukot ang wallet ko

nang makipagsiksikan ako sa libing ni FPJ.

Nalungkot akong lubha at nawalan ng pag-asang

makabangon pang muli.

Nang biglang tumunog ang cellphone ko. May nag-

text. Sabi sa message,

ang Oracle

daw ang tanging makapagbabalik sa aking alaala.

Nag-reply ako: hu u?

Pero di na s’ya nag-text back. Di ko alam kung

saan ko hahanapin si

Oracle.

Nilibot ko ang kamaynilaan. Ipina-blotter sa pulis.

Ngunit kahit anino

ni Oracle

o ni Madam Auring ay di ko nakita.

Naisip kong baka wala s’ya sa siyudad kaya

pumunta ako sa mga

probinsiya. Nakarating ako sa kabundukan ng

Quezon Province pero mga

illegal loggers lang ang nadatnan ko. Nilisan ko

ang lugar na ‘yon at

sa pagbaba ko ng bundok, nasalubong ko ang

mga nagtatakbuhang…

hobbits! — sina Frodo, Samwise, Merry, Pippin, at

si… Dagul yata

ang pangalan ng isa. Hinahabol daw sila, hindi ng

mga ringwraiths

kundi mga.. battle droids ng Starwars! “Huh?!

Ano ‘to?!! Nasa’n ba

ako?!!!” Sa sobrang lito ay nakitakbo na rin ako.

Napakaraming kalaban. Libo-libong droids.

Kakampi pa yata

nila ang mga robot sa I, Robot.

Mabuti na lang at dumating ang mga astig na

superheroes: sina

Superman, Batman, Spiderman, Daredevil, Blade,

Van Helsing, Elektra,

X-Men, Charlie’s Angels, Powerpuff Girls, the

Incredibles, Voltes V,

Mulawin, Capt. Barbell, Darna, Volta, Krystala,

Lastikman, Panday,

Andres Bonifacio…marami pang iba.

Madaling natalo ang mga kalaban. Subalit…

sugatan si Frodo. May

tama siya. At may iniabot siya sa akin –isang

singsing! May elvish

inscriptions dito na sa tingin ko’y hindi kayang i-

decode kahit ni

Dan Brown. Pero bago pa man malagutan ng

hininga si Frodo, nasabi

niya sa akin ang kahulugan ng nakasulat: “God

will never leave you

empty. He will replace everything you lost. If He

asks you to put

something down, it’s because He wants you to

pick up something better

and best for you.” Inilagay ko ang singsing sa

bulsa ng aking

pantalon at nangakong iingatan ko iyon.

Samantala, nagdiwang ang mga superheroes sa

pagtatagumpay. Gumimik

sila sa Libis at nag-inuman. Sasama sana ako

pero sabi ko kailangan

kong umuwi ng bahay dahil ending na ng Lovers in

Paris.

Pero naalala ko na may amnesia pala ako at di ko

alam

kung saan ako nakatira kaya sumama na rin ako.

Habang nagdi-disco

ang Justice League kasama ang Marvel

superheroes, nagtugtugan at

nagkantahan naman ang mga anime’ heroes.

Panalo sa Japan!

May ledge dancing pa sina Wonder Woman,

Catwoman, Black Mamba, at

Sailor Moon!

Pero di rin kami nagtagal sa lugar na ‘yon. May

nagyaya kasi na

pumunta sa Baywalk dahil may show daw doon

ang The Bodies.

Ang saya-saya! Idagdag mo na lang si Kuya

Germs, kahit wala nang

tulugan!

Subalit naudlot ang kasayahang iyon nang biglang

lumindol… at mula sa Manila Bay ay dumating ang

isang

dambuhalang… TSUNAMI!!! Swooossshhh!!!

Naitaboy ang mga

superheroes. Hindi nakayanan ng kanilang powers

na pigilin ang dumating

na

sakuna. Mabilis na bumaha ang paligid at nalunod

kaming lahat. Oo, pati

sina Aquaman, Marina, at Nemo. Patay kaming

lahat. Dumilim ang

kapaligiran. Katahimikan.

“Gising! Gising!” Isang tinig ng lalaki ang

narinig ko. Pagdilat ko, nakita ko ang isang

lalaki. “May tiket na po

ba

kayo? Sa’n po kayo bababa?”

“Huh?!” nagulat ako. Kunduktor pala iyon ng bus.

Panaginip lang pala ang lahat! Nasa bus pa pala

ako at pauwi ng

probinsiya. “Sa Tarlac po,” sabi ko sa kanya pero

ang mga mata

ko’y nakatitig sa kanyang t-shirt na may nakasulat

na “the Oracle”.

Parang narinig ko pa si Morpheus na

bumubulong: “Welcome to the

real world…”

Buhay pa ako. May pamilya at mga kaibigang

nagmamahal sa akin. May

tirahang nauuwian, may magandang hanapbuhay,

at… virgin pa ‘ko!

Habang nasa biyahe, naisip ko, napakababaw na

dahilan pala ang iwan

ka ng boyfriend o girlfriend mo para

magpakamatay

ka. I have to stand up and move on. Lalaki ako at

di dapat ako

maging mahina. Di dapat ako maging tanga para

sa isang gaga at

walang kwentang babae. Naisip ko rin na mabuti

na rin ang nangyari at

nakilala ko nang maaga ang tunay niyang kulay

bago pa man humaba

ang relasyon namin. Hindi siya ang karapat-dapat

sa akin.

Nasa gate na’ko ng aming bahay nang may

tumawag sa aking pangalan. Si

Rizi, kababata ko, kapitbahay namin. Sabi niya

umalis daw ang lahat

ng tao sa bahay namin at iniwan sa kanya ang

susi. Nang abutin ko ang susi sa kanya, doon ko

lang s’ya nakaharap

nang malapitan at doon ko rin lang napansin na

maganda pala siya.

Matapos akong magpasalamat ay sinuklian

n’ya ‘ko ng isang matamis na

ngiti.

(Cue: new Coca-cola theme song)

Pagpasok sa bahay, diretso agad ako sa banyo

upang makapaghilamos.

Maginaw sa loob ng banyo at malamig ang tubig.

Pero may naramdaman akong mainit na bagay sa

bulsa ng aking

pantalon. Dinukot ko ito at nakita ko ang isang…

singsing.

THE END

All rights reserved. No part of this story may be

reproduced or

transmitted in any form or by any means, without

the written

permission of the author, except where permitted

by law.

The names of the characters, places, and events

are all fictitious.

Any similarity with reality is coincidental. No

animals were hurt

during the making of the story.

Some dialogues are not suitable for young readers.

Parental guidance is hereby advised.

Keep out of reach of children. If swallowed, induce

vomiting



Comments are closed.

Sorry, the comment form is closed at this time.